1Kalalampas pa lang nang kaunti ni David sa ibabaw ng bundok nang salubungin siya ni Ziba na katiwala ni Mefiboset. May dalawa itong asno na may kargang dalawandaang tinapay, isang daang kumpol ng pasas, isang daang piraso ng hinog na prutas, at alak na nakalagay sa balat na sisidlan.
2Tinanong ni Haring David si Ziba, “Bakit nagdala ka ng mga iyan?” Sumagot si Ziba, “Ang mga asno po ay para sa sambahayan ninyo, mahal na hari. Ang mga tinapay at prutas ay para sa inyo at sa mga kasama ninyo, at ang alak naman ay para sa mga kasama ninyong napagod sa paglalakbay sa ilang.”
3Nagtanong si Haring David, “Nasaan na si Mefiboset, ang apo ng amo mong si Saul?” Sumagot si Ziba, “Nagpaiwan po siya sa Jerusalem, dahil iniisip niyang gagawin siyang hari ngayon ng mga Israelita sa kaharian ng lolo niyang si Saul.”
4Sinabi ni David, “Kung ganoon, ibinibigay ko na sa iyo ngayon ang lahat ng ari-arian ni Mefiboset.” Sinabi ni Ziba, “Mahal na Hari, handa po akong sumunod sa inyo. Malugod sana kayo sa akin.”