2 Samuel 16

Kalalampas pa lang nang kaunti ni David sa ibabaw ng bundok nang salubungin siya ni Ziba na katiwala ni Mefiboset. May dalawa itong asno na may kargang dalawandaang tinapay, isang daang kumpol ng pasas, isang daang piraso ng hinog na prutas, at alak na nakalagay sa balat na sisidlan.

2 Samuel 16:1 (UKJV) And when David was a little past the top of the hill, behold, Ziba the servant of Mephibosheth met him, with a couple of asses saddled, and upon them two hundred loaves of bread, and an hundred bunches of raisins, and an hundred of summer fruits, and a bottle of wine.

1Kalalampas pa lang nang kaunti ni David sa ibabaw ng bundok nang salubungin siya ni Ziba na katiwala ni Mefiboset. May dalawa itong asno na may kargang dalawandaang tinapay, isang daang kumpol ng pasas, isang daang piraso ng hinog na prutas, at alak na nakalagay sa balat na sisidlan.

2Tinanong ni Haring David si Ziba, “Bakit nagdala ka ng mga iyan?” Sumagot si Ziba, “Ang mga asno po ay para sa sambahayan ninyo, mahal na hari. Ang mga tinapay at prutas ay para sa inyo at sa mga kasama ninyo, at ang alak naman ay para sa mga kasama ninyong napagod sa paglalakbay sa ilang.”

3Nagtanong si Haring David, “Nasaan na si Mefiboset, ang apo ng amo mong si Saul?” Sumagot si Ziba, “Nagpaiwan po siya sa Jerusalem, dahil iniisip niyang gagawin siyang hari ngayon ng mga Israelita sa kaharian ng lolo niyang si Saul.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.