21Nang makaalis ang mga tauhan ni Absalom, lumabas sina Jonatan at Ahimaaz sa balon, at pumunta sila kay Haring David. Sinabi nila sa kanya, “Tumawid po kayo agad sa ilog dahil nagpayo si Ahitofel na patayin kayo.”
22Kaya tumawid si David at ang mga tauhan niya sa Ilog Jordan, at kinaumagahan, nakatawid na sila sa kabila.
23Nang malaman ni Ahitofel na hindi sinunod ang payo niya, sumakay siya sa asno niya at umuwi sa bayan niya. Pagkatapos niyang magbigay ng mga habilin sa sambahayan niya, nagbigti siya. Inilibing siya sa pinaglibingan ng kanyang ama.
24Nakarating na si David at ang mga tauhan niya sa Mahanaim. Nakatawid na noon si Absalom at ang mga tauhan nito sa Ilog Jordan.
25Pinili ni Absalom si Amasa na kapalit ni Joab bilang kumander ng mga sundalo. Si Amasa ay anak ni Jeter na Ismaelita. Ang ina niya ay si Abigail na anak ni Nahas at kapatid ng ina ni Joab na si Zeruias.