1Sinabi ni Ahitofel kay Absalom, “Payagan nʼyo po akong pumili ng 12,000 tauhan para hanapin sina David ngayong gabi.
2Sasalakayin namin sila habang pagod sila at nanghihina. Matataranta sila at magsisitakas ang mga tauhan niya. Ang hari lang po ang papatayin ko,
3at pababalikin ko sa inyo ang lahat ng tauhan niya gaya ng pagbabalik ng asawa sa kabiyak nito. Kapag napatay si David, hindi na makakalaban ang mga tauhan niya.”
4Mukhang mabuti naman ang payo na ito para kay Absalom at sa lahat ng tagapamahala ng Israel.
5Pero sinabi ni Absalom, “Tawagin natin si Husai na Araceo, at nang malaman natin kung ano ang masasabi niya.”