2 Samuel 17

Pero sinabi ni Absalom, “Tawagin natin si Husai na Araceo, at nang malaman natin kung ano ang masasabi niya.”

2 Samuel 17:5 (UKJV) Then said Absalom, Call now Hushai the Archite also, and let us hear likewise what he says.

3at pababalikin ko sa inyo ang lahat ng tauhan niya gaya ng pagbabalik ng asawa sa kabiyak nito. Kapag napatay si David, hindi na makakalaban ang mga tauhan niya.”

4Mukhang mabuti naman ang payo na ito para kay Absalom at sa lahat ng tagapamahala ng Israel.

5Pero sinabi ni Absalom, “Tawagin natin si Husai na Araceo, at nang malaman natin kung ano ang masasabi niya.”

6Kaya nang dumating si Husai, sinabi sa kanya ni Absalom ang payo ni Ahitofel. Pagkatapos, nagtanong si Absalom, “Gagawin ba natin ang sinabi niya? Kung hindi, ano ang dapat nating gawin?”

7Sumagot si Husai, “Sa ngayon, hindi maganda ang ipinayo ni Ahitofel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.