4Mukhang mabuti naman ang payo na ito para kay Absalom at sa lahat ng tagapamahala ng Israel.
5Pero sinabi ni Absalom, “Tawagin natin si Husai na Araceo, at nang malaman natin kung ano ang masasabi niya.”
6Kaya nang dumating si Husai, sinabi sa kanya ni Absalom ang payo ni Ahitofel. Pagkatapos, nagtanong si Absalom, “Gagawin ba natin ang sinabi niya? Kung hindi, ano ang dapat nating gawin?”
7Sumagot si Husai, “Sa ngayon, hindi maganda ang ipinayo ni Ahitofel.
8Kilala nʼyo ang inyong ama at ang kanyang mga tauhan; magigiting silang mandirigma at mababangis tulad ng oso na inagawan ng mga anak. Bukod pa riyan, bihasa ang ama nʼyo sa pakikipaglaban, at hindi siya natutulog na kasama ng mga tauhan niya.