2 Samuel 17

Kilala nʼyo ang inyong ama at ang kanyang mga tauhan; magigiting silang mandirigma at mababangis tulad ng oso na inagawan ng mga anak. Bukod pa riyan, bihasa ang ama nʼyo sa pakikipaglaban, at hindi siya natutulog na kasama ng mga tauhan niya.

2 Samuel 17:8 (UKJV) For, said Hushai, you know your father and his men, that they be mighty men, and they be chafed in their minds, as a bear robbed of her whelps in the field: and your father is a man of war, and will not lodge with the people.

6Kaya nang dumating si Husai, sinabi sa kanya ni Absalom ang payo ni Ahitofel. Pagkatapos, nagtanong si Absalom, “Gagawin ba natin ang sinabi niya? Kung hindi, ano ang dapat nating gawin?”

7Sumagot si Husai, “Sa ngayon, hindi maganda ang ipinayo ni Ahitofel.

8Kilala nʼyo ang inyong ama at ang kanyang mga tauhan; magigiting silang mandirigma at mababangis tulad ng oso na inagawan ng mga anak. Bukod pa riyan, bihasa ang ama nʼyo sa pakikipaglaban, at hindi siya natutulog na kasama ng mga tauhan niya.

9Maaaring sa oras na itoʼy nagtatago siya sa kuweba o sa ibang lugar. Kung sa unang paglalaban nʼyo ay mapatay ang iba sa mga sundalo nʼyo, sasabihin ng makakarinig nito na natalo na ang mga sundalo ninyo.

10Kahit ang pinakamagigiting nʼyong sundalo na kasintapang ng leon ay matatakot. Sapagkat nalalaman ng lahat ng Israelita na ang ama ninyoʼy bihasang mandirigma at matatapang ang tauhan niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.