2 Samuel 18

Sinabi ni Joab, “Nagsasayang lang ako ng oras sa iyo!” Pagkatapos, kumuha siya ng tatlong sibat at pinuntahan si Absalom na buháy pang nakasabit sa puno ng ensina. Pagkatapos, sinibat niya sa dibdib si Absalom.

2 Samuel 18:14 (UKJV) Then said Joab, I may not tarry thus with you. And he took three darts in his hand, and thrust them through the heart of Absalom, while he was yet alive in the midst of the oak.

12Pero sumagot ang tauhan, “Kahit na bigyan mo pa ako ng 1,000 pirasong pilak, hindi ko papatayin ang anak ng hari. Narinig namin ang iniutos ng hari sa iyo, kay Abisai at kay Itai, na huwag ninyong sasaktan ang binatang si Absalom alang-alang sa kanya.

13At kahit na suwayin ko pa ang hari sa pamamagitan ng pagpatay kay Absalom, malalaman din ito ng hari, at hindi mo naman ako ipagtatanggol.”

14Sinabi ni Joab, “Nagsasayang lang ako ng oras sa iyo!” Pagkatapos, kumuha siya ng tatlong sibat at pinuntahan si Absalom na buháy pang nakasabit sa puno ng ensina. Pagkatapos, sinibat niya sa dibdib si Absalom.

15Pinalibutan pa ng sampung tagadala ng armas ni Joab si Absalom at tinuluyan siyang patayin.

16Pinatunog ni Joab ang trumpeta para itigil na ang labanan, at upang tumigil na ang mga tauhan niya sa paghabol sa mga sundalo ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.