2 Samuel 18

Pinalakad niya sila sa tatlong grupo. Si Joab ang pinuno ng isang grupo, si Abisai na kapatid ni Joab ang sa isang grupo, at si Itai naman na taga-Gat ang sa isa pang grupo. Sinabi ni Haring David sa kanila, “Ako mismo ang mamumuno sa inyo sa pakikipaglaban.”

2 Samuel 18:2 (UKJV) And David sent forth a third part of the people under the hand of Joab, and a third part under the hand of Abishai the son of Zeruiah, Joab's brother, and a third part under the hand of Ittai the Gittite. And the king said unto the people, I will surely go forth with you myself also.

1Pinagpangkat-pangkat ni David ang mga tauhan niya ng tig-isang libo na binubuo ng mga pangkat na tig-isang daan at pumili siya ng mga pinuno na mamumuno sa kanila.

2Pinalakad niya sila sa tatlong grupo. Si Joab ang pinuno ng isang grupo, si Abisai na kapatid ni Joab ang sa isang grupo, at si Itai naman na taga-Gat ang sa isa pang grupo. Sinabi ni Haring David sa kanila, “Ako mismo ang mamumuno sa inyo sa pakikipaglaban.”

3Ngunit sinabi ng mga tauhan niya, “Hindi po kayo dapat sumáma sa amin. Wala pong halaga sa mga kalaban kung tatakas kami, o kung mapatay ang kalahati sa amin. Mas gusto nilang mapatay kayo kaysa sa sampung libo sa amin. Kaya mabuti pang maiwan na lang kayo rito sa lungsod at magpadala sa amin ng tulong kung kinakailangan.”

4Sumagot si Haring David, “Gagawin ko kung ano ang mabuti sa tingin ninyo.” Tumayo si Haring David sa gilid ng pintuan ng lungsod habang lumalabas ang lahat ng tauhan niya na napangkat-pangkat sa tig-isang libo na binubuo ng pangkat na tig-isang daan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.