2 Samuel 18

Sumagot si Haring David, “Gagawin ko kung ano ang mabuti sa tingin ninyo.” Tumayo si Haring David sa gilid ng pintuan ng lungsod habang lumalabas ang lahat ng tauhan niya na napangkat-pangkat sa tig-isang libo na binubuo ng pangkat na tig-isang daan.

2 Samuel 18:4 (UKJV) And the king said unto them, What seems you best I will do. And the king stood by the gate side, and all the people came out by hundreds and by thousands.

2Pinalakad niya sila sa tatlong grupo. Si Joab ang pinuno ng isang grupo, si Abisai na kapatid ni Joab ang sa isang grupo, at si Itai naman na taga-Gat ang sa isa pang grupo. Sinabi ni Haring David sa kanila, “Ako mismo ang mamumuno sa inyo sa pakikipaglaban.”

3Ngunit sinabi ng mga tauhan niya, “Hindi po kayo dapat sumáma sa amin. Wala pong halaga sa mga kalaban kung tatakas kami, o kung mapatay ang kalahati sa amin. Mas gusto nilang mapatay kayo kaysa sa sampung libo sa amin. Kaya mabuti pang maiwan na lang kayo rito sa lungsod at magpadala sa amin ng tulong kung kinakailangan.”

4Sumagot si Haring David, “Gagawin ko kung ano ang mabuti sa tingin ninyo.” Tumayo si Haring David sa gilid ng pintuan ng lungsod habang lumalabas ang lahat ng tauhan niya na napangkat-pangkat sa tig-isang libo na binubuo ng pangkat na tig-isang daan.

5Nag-utos si Haring David kina Joab, Abisai at Itai, “Alang-alang sa akin, huwag nʼyong sasaktan ang aking binatang si Absalom.” Narinig ng lahat ng grupo ang utos na ito ni David sa mga kumander ng mga sundalo niya.

6Lumakad na ang mga sundalo ni David para makipaglaban sa mga sundalo ng Israel, at sa kagubatan ng Efraim sila naglaban.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.