2 Samuel 19

Minamahal nʼyo ang mga napopoot sa inyo, at kinapopootan ang mga nagmamahal sa inyo. Malinaw po na hindi nʼyo pinapahalagahan ang mga opisyal at tauhan ninyo. Sa tingin ko, mas masisiyahan pa kayo kung namatay kaming lahat at nabuhay si Absalom.

2 Samuel 19:6 (UKJV) In that you love yours enemies, and hate your friends. For you have declared this day, that you regard neither princes nor servants: for this day I perceive, that if Absalom had lived, and all we had died this day, then it had pleased you well.

4Tinakpan ni David ang mukha niya at umiyak nang labis, “O Absalom, anak ko, anak ko!”

5Pumunta si Joab sa bahay ng hari at sinabi, “Ipinahiya nʼyo ngayon ang mga tauhan ninyong nagligtas sa buhay nʼyo at sa buhay ng mga anak at asawa ninyo.

6Minamahal nʼyo ang mga napopoot sa inyo, at kinapopootan ang mga nagmamahal sa inyo. Malinaw po na hindi nʼyo pinapahalagahan ang mga opisyal at tauhan ninyo. Sa tingin ko, mas masisiyahan pa kayo kung namatay kaming lahat at nabuhay si Absalom.

7Lumabas po kayo ngayon at pasalamatan ang mga tauhan ninyo. Dahil kung hindi, isinusumpa ko sa Panginoon na wala ni isa sa kanilang maiiwan na kasama nʼyo ngayong gabi. Ito ang pinakamasamang mangyayari sa inyo mula noon hanggang ngayon.”

8Kaya tumayo si Haring David at umupo sa may pintuan ng lungsod. Nang malaman ito ng buong hukbo, nagtipon silang lahat sa kanya. Samantala, tumakas pauwi ang mga sundalo ng Israel na mga tauhan ni Absalom.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.