5Pumunta si Joab sa bahay ng hari at sinabi, “Ipinahiya nʼyo ngayon ang mga tauhan ninyong nagligtas sa buhay nʼyo at sa buhay ng mga anak at asawa ninyo.
6Minamahal nʼyo ang mga napopoot sa inyo, at kinapopootan ang mga nagmamahal sa inyo. Malinaw po na hindi nʼyo pinapahalagahan ang mga opisyal at tauhan ninyo. Sa tingin ko, mas masisiyahan pa kayo kung namatay kaming lahat at nabuhay si Absalom.
7Lumabas po kayo ngayon at pasalamatan ang mga tauhan ninyo. Dahil kung hindi, isinusumpa ko sa Panginoon na wala ni isa sa kanilang maiiwan na kasama nʼyo ngayong gabi. Ito ang pinakamasamang mangyayari sa inyo mula noon hanggang ngayon.”
8Kaya tumayo si Haring David at umupo sa may pintuan ng lungsod. Nang malaman ito ng buong hukbo, nagtipon silang lahat sa kanya. Samantala, tumakas pauwi ang mga sundalo ng Israel na mga tauhan ni Absalom.
9Nagtalo-talo ang mga tao sa buong Israel. Sinabi nila, “Iniligtas tayo ni Haring David sa ating mga kaaway, at pinalaya niya tayo sa kamay ng mga Filisteo. Subalit ngayoʼy umalis siya sa ating bayan para takasan si Absalom.