7Lumabas po kayo ngayon at pasalamatan ang mga tauhan ninyo. Dahil kung hindi, isinusumpa ko sa Panginoon na wala ni isa sa kanilang maiiwan na kasama nʼyo ngayong gabi. Ito ang pinakamasamang mangyayari sa inyo mula noon hanggang ngayon.”
8Kaya tumayo si Haring David at umupo sa may pintuan ng lungsod. Nang malaman ito ng buong hukbo, nagtipon silang lahat sa kanya. Samantala, tumakas pauwi ang mga sundalo ng Israel na mga tauhan ni Absalom.
9Nagtalo-talo ang mga tao sa buong Israel. Sinabi nila, “Iniligtas tayo ni Haring David sa ating mga kaaway, at pinalaya niya tayo sa kamay ng mga Filisteo. Subalit ngayoʼy umalis siya sa ating bayan para takasan si Absalom.
10Pinili nating maging hari si Absalom, pero napatay naman siya sa labanan. Bakit wala tayong ginagawa upang mapabalik natin si David bilang hari?”
11Nang mabalitaan ni Haring David ang pinag-usapan nila, nagpadala siya ng mensahe sa mga paring sina Sadoc at Abiatar. Sinabi niya sa kanila, “Sabihin nʼyo ito sa mga tagapamahala ng Juda: ‘Nabalitaan kong gusto ng inyong mga mamamayan na ibalik ako bilang hari, at kayo pa ang huling nagpasya na pabalikin ako sa aking trono? Hindi baʼt mga kamag-anak at kalahi ko kayo?’