11at naghari siya sa Juda sa loob ng pitong taon at anim na buwan. Doon siya nanirahan sa Hebron.
12Isang araw, pumunta si Abner, na anak ni Ner, sa Gibeon mula sa Mahanaim kasama ang mga tauhan ni Isboset.
13Sinalubong sila ni Joab na anak ni Zeruias, kasama ng iba pang mga tauhan ni David doon sa imbakan ng tubig sa Gibeon. Umupo ang grupo ni Abner sa kabilang panig ng Imbakan ng Tubig at ang grupo naman ni Joab ay naupo rin sa kabilang panig.
14Sinabi ni Abner kay Joab, “Paglabanin natin sa ating harapan ang ilan sa mahuhusay nating sundalo.” Pumayag si Joab,
15at tumayo ang labindalawang tauhan ni Isboset na mula sa lahi ni Benjamin para makipaglaban sa labindalawang tauhan ni David.