2 Samuel 2

Doon, hinirang niyang hari ng buong Israel si Isboset, kasama na rito ang mga lugar ng Gilead, Ashuri, Jezreel, Efraim at Benjamin.

2 Samuel 2:9 (UKJV) And made him king over Gilead, and over the Ashurites, and over Jezreel, and over Ephraim, and over Benjamin, and over all Israel.

7At ngayon, magpakatatag kayo at lakasan nʼyo ang inyong loob kahit patay na ang hari ninyong si Saul. Ako naman ay pinili ng mga taga-Juda bilang kanilang hari.”

8Ngayon, ang kumander ng mga sundalo ni Saul, na si Abner na anak ni Ner ay pumunta sa Mahanaim kasama si Isboset na anak ni Saul.

9Doon, hinirang niyang hari ng buong Israel si Isboset, kasama na rito ang mga lugar ng Gilead, Ashuri, Jezreel, Efraim at Benjamin.

10Si Isboset na anak ni Saul ay apatnapung taóng gulang nang maging hari ng Israel, at naghari siya sa loob ng dalawang taon. Si David naman ang kinikilalang hari ng mga taga-Juda,

11at naghari siya sa Juda sa loob ng pitong taon at anim na buwan. Doon siya nanirahan sa Hebron.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.