2 Samuel 20

Pagkatapos, sinabi ng hari kay Amasa, “Tipunin mo ang mga sundalo ng Juda at pumunta kayo sa akin sa ikatlong araw mula ngayon.”

2 Samuel 20:4 (UKJV) Then said the king to Amasa, Assemble me the men of Judah within three days, and be you here present.

2Kaya iniwan ng mga taga-Israel si David at sumunod kay Sheba na anak ni Bicri. Ngunit nagpaiwan ang mga taga-Juda sa hari nila at sinamahan siya mula Ilog Jordan papuntang Jerusalem.

3Nang makabalik na si David sa palasyo niya sa Jerusalem, iniutos niyang dalhin sa isang bahay ang sampung aliping-asawa niyang iniwan para asikasuhin at bantayan ang palasyo. Ibinigay niya lahat ng pangangailangan nila ngunit hindi na niya sinipingan ang mga ito. Doon sila nanirahan na parang mga biyuda hanggang sa silaʼy mamatay.

4Pagkatapos, sinabi ng hari kay Amasa, “Tipunin mo ang mga sundalo ng Juda at pumunta kayo sa akin sa ikatlong araw mula ngayon.”

5Kaya lumakad si Amasa at tinipon ang mga sundalo ng Juda, ngunit hindi siya nakabalik sa itinakdang araw ng hari.

6Kaya sinabi ng hari kay Abisai, “Mas malaking pinsala ang gagawin sa atin ni Sheba kaysa sa ginawa ni Absalom. Kaya ngayon, isama mo ang mga tauhan ko at habulin nʼyo siya bago pa niya maagaw ang mga napapaderang lungsod at makalayo siya sa atin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.