2 Samuel 20

Kaya iniwan ng mga taga-Israel si David at sumunod kay Sheba na anak ni Bicri. Ngunit nagpaiwan ang mga taga-Juda sa hari nila at sinamahan siya mula Ilog Jordan papuntang Jerusalem.

2 Samuel 20:2 (UKJV) So every man of Israel went up from after David, and followed Sheba the son of Bichri: but the men of Judah clave unto their king, from Jordan even to Jerusalem.

1Ngayon, may isang tao mula sa lahi ni Benjamin na laging naghahanap ng gulo. Siya ay si Sheba na anak ni Bicri. Pinatunog niya ang trumpeta at pagkatapos ay sumigaw, “Mga taga-Israel, wala tayong kaugnayan kay David na anak ni Jesse! Wala tayong mapapala sa kanya. Umuwi na tayong lahat!”

2Kaya iniwan ng mga taga-Israel si David at sumunod kay Sheba na anak ni Bicri. Ngunit nagpaiwan ang mga taga-Juda sa hari nila at sinamahan siya mula Ilog Jordan papuntang Jerusalem.

3Nang makabalik na si David sa palasyo niya sa Jerusalem, iniutos niyang dalhin sa isang bahay ang sampung aliping-asawa niyang iniwan para asikasuhin at bantayan ang palasyo. Ibinigay niya lahat ng pangangailangan nila ngunit hindi na niya sinipingan ang mga ito. Doon sila nanirahan na parang mga biyuda hanggang sa silaʼy mamatay.

4Pagkatapos, sinabi ng hari kay Amasa, “Tipunin mo ang mga sundalo ng Juda at pumunta kayo sa akin sa ikatlong araw mula ngayon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.