2 Samuel 21

Sumagot ang mga Gibeonita, “Hindi po mababayaran ng pilak o ginto ang galit namin kay Saul at sa pamilya niya. At ayaw din naming pumatay ng sinumang Israelita bilang paghihiganti maliban na lang kung ipahintulot nʼyo ito.” Nagtanong si David, “Kung ganoon, ano ang gusto nʼyong gawin ko para sa inyo?”

2 Samuel 21:4 (UKJV) And the Gibeonites said unto him, We will have no silver nor gold of Saul, nor of his house; neither for us shall you kill any man in Israel. And he said, What all of you shall say, that will I do for you.

2Ang mga Gibeonita ay hindi nagmula sa lahi ng mga Israelita. Sila ang mga natira sa lahi ng mga Amoreo. Nangako ang mga Israelita na hindi nila papatayin ang mga ito ngunit tinangka silang lipulin ni Saul dahil sa matinding pagmamalasakit niya sa Israel at Juda. Ipinatawag ni David ang mga Gibeonita,

3at tinanong, “Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo? Paano ko mababayaran ang kasalanang ginawa ni Saul sa inyo, upang pagpalain ninyo ang mamamayan ng Panginoon?”

4Sumagot ang mga Gibeonita, “Hindi po mababayaran ng pilak o ginto ang galit namin kay Saul at sa pamilya niya. At ayaw din naming pumatay ng sinumang Israelita bilang paghihiganti maliban na lang kung ipahintulot nʼyo ito.” Nagtanong si David, “Kung ganoon, ano ang gusto nʼyong gawin ko para sa inyo?”

5Sumagot sila, “Tinangka po kaming patayin ni Saul para walang matira sa amin sa Israel.

6Kaya ibigay nʼyo sa amin ang pitong lalaki mula sa angkan niya, para patayin namin sila at pabayaan ang kanilang bangkay sa lugar na malapit sa lugar kung saan sumasamba sa Panginoon doon sa Gibea, ang bayan ni Saul na haring pinili ng Panginoon.” Sinabi ng hari, “Sige, ibibigay ko sila sa inyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.