3at tinanong, “Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo? Paano ko mababayaran ang kasalanang ginawa ni Saul sa inyo, upang pagpalain ninyo ang mamamayan ng Panginoon?”
4Sumagot ang mga Gibeonita, “Hindi po mababayaran ng pilak o ginto ang galit namin kay Saul at sa pamilya niya. At ayaw din naming pumatay ng sinumang Israelita bilang paghihiganti maliban na lang kung ipahintulot nʼyo ito.” Nagtanong si David, “Kung ganoon, ano ang gusto nʼyong gawin ko para sa inyo?”
5Sumagot sila, “Tinangka po kaming patayin ni Saul para walang matira sa amin sa Israel.
6Kaya ibigay nʼyo sa amin ang pitong lalaki mula sa angkan niya, para patayin namin sila at pabayaan ang kanilang bangkay sa lugar na malapit sa lugar kung saan sumasamba sa Panginoon doon sa Gibea, ang bayan ni Saul na haring pinili ng Panginoon.” Sinabi ng hari, “Sige, ibibigay ko sila sa inyo.”
7Ngunit hindi ibinigay ni David sa kanila si Mefiboset na anak ni Jonatan at apo ni Saul, dahil sa sumpaan nila ni Jonatan sa presensya ng Panginoon.