24Alam nʼyong namumuhay ako nang walang kapintasan, at iniiwasan ko ang kasamaan.
25Kaya naman akoʼy inyong ginagantimpalaan, dahil nakita nʼyong wala akong ginagawang kasalanan.
26“Tapat kayo sa mga tapat sa inyo, at mabuti kayo sa mabubuting tao.
27Tapat kayo sa mga taong totoo sa inyo, ngunit mas tuso kayo sa mga taong masama.
28Inililigtas nʼyo ang mga mapagpakumbaba, ngunit ibinababa nʼyo ang mga mapagmataas.