1Umawit si David sa Panginoon nang iligtas siya ng Panginoon sa kamay ng kanyang mga kalaban at kay Saul.
2Ito ang awit niya: “Ang Panginoon ang aking matibay na batong kanlungan at pananggalang. Siya ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin.
3Siya ang aking batong kanlungan, ang aking kublihan. Inililigtas niya ako sa mararahas na tao.
4“Karapat-dapat kayong purihin Panginoon, dahil kapag tumatawag ako sa inyo, inililigtas nʼyo ako sa mga kalaban ko.
5Tulad ng mga alon, ang kamatayan ay nakapalibot sa akin. Ang mga pinsalaʼy tulad ng malakas na agos na tumatangay sa akin.