2 Samuel 22

“Karapat-dapat kayong purihin Panginoon, dahil kapag tumatawag ako sa inyo, inililigtas nʼyo ako sa mga kalaban ko.

2 Samuel 22:4 (UKJV) I will call on the LORD, who is worthy to be praised: so shall I be saved from mine enemies.

2Ito ang awit niya: “Ang Panginoon ang aking matibay na batong kanlungan at pananggalang. Siya ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin.

3Siya ang aking batong kanlungan, ang aking kublihan. Inililigtas niya ako sa mararahas na tao.

4“Karapat-dapat kayong purihin Panginoon, dahil kapag tumatawag ako sa inyo, inililigtas nʼyo ako sa mga kalaban ko.

5Tulad ng mga alon, ang kamatayan ay nakapalibot sa akin. Ang mga pinsalaʼy tulad ng malakas na agos na tumatangay sa akin.

6Ang kamatayaʼy parang lubid na nakapulupot sa akin at parang bitag sa aking daraanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.