35Sinasanay nʼyo ako sa pakikipaglaban, at ang aking brasoʼy nakakabanat ng panang tanso.
36Ang katulad nʼyo ay kalasag na nag-iingat sa akin, at sa pamamagitan ng inyong tulong ay naging kilala ako.
37Pinaluwang nʼyo ang aking dadaanan, kaya hindi ako natitisod.
38Hinabol ko ang aking mga kalaban at inabutan ko sila, at hindi ako tumigil hanggang sa naubos ko sila.
39Hinampas ko sila hanggang sa magsibagsak, at hindi na makabangon sa aking paanan.