2 Samuel 22

Ang katulad nʼyo ay kalasag na nag-iingat sa akin, at sa pamamagitan ng inyong tulong ay naging kilala ako.

2 Samuel 22:36 (UKJV) You have also given me the shield of your salvation: and your gentleness has made me great.

34Pinatatatag nʼyo ang aking paa tulad ng paa ng usa, upang maging ligtas ang pag-akyat ko sa matataas na lugar.

35Sinasanay nʼyo ako sa pakikipaglaban, at ang aking brasoʼy nakakabanat ng panang tanso.

36Ang katulad nʼyo ay kalasag na nag-iingat sa akin, at sa pamamagitan ng inyong tulong ay naging kilala ako.

37Pinaluwang nʼyo ang aking dadaanan, kaya hindi ako natitisod.

38Hinabol ko ang aking mga kalaban at inabutan ko sila, at hindi ako tumigil hanggang sa naubos ko sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.