32Kayo lang, Panginoon, ang tunay na Diyos, at wala nang iba. At kayo lang talaga ang aming Batong kanlungan.
33Kayo, O Diyos, ang nagbibigay sa akin ng kalakasan, at nagbabantay sa aking daraanan.
34Pinatatatag nʼyo ang aking paa tulad ng paa ng usa, upang maging ligtas ang pag-akyat ko sa matataas na lugar.
35Sinasanay nʼyo ako sa pakikipaglaban, at ang aking brasoʼy nakakabanat ng panang tanso.
36Ang katulad nʼyo ay kalasag na nag-iingat sa akin, at sa pamamagitan ng inyong tulong ay naging kilala ako.