2 Samuel 22

Kayo lang, Panginoon, ang tunay na Diyos, at wala nang iba. At kayo lang talaga ang aming Batong kanlungan.

2 Samuel 22:32 (UKJV) For who is God, save the LORD? and who is a rock, save our God?

30Sa tulong nʼyo, o Diyos, kaya kong salakayin ang grupo ng mga sundalo, at kaya kong akyatin ang pader ng kanilang tanggulan.

31“Ang pamamaraan nʼyo, O Diyos, ay walang kamalian. Ang inyong mga salita Panginoon ay maaasahan. Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga kumakanlong sa inyo.

32Kayo lang, Panginoon, ang tunay na Diyos, at wala nang iba. At kayo lang talaga ang aming Batong kanlungan.

33Kayo, O Diyos, ang nagbibigay sa akin ng kalakasan, at nagbabantay sa aking daraanan.

34Pinatatatag nʼyo ang aking paa tulad ng paa ng usa, upang maging ligtas ang pag-akyat ko sa matataas na lugar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.