2 Samuel 22

“Ang pamamaraan nʼyo, O Diyos, ay walang kamalian. Ang inyong mga salita Panginoon ay maaasahan. Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga kumakanlong sa inyo.

2 Samuel 22:31 (UKJV) As for God, his way is perfect; the word of the LORD is tried: he is a buckler to all them that trust in him.

29Panginoon, kayo ang aking liwanag Sa kadiliman kayo ang aking ilaw.

30Sa tulong nʼyo, o Diyos, kaya kong salakayin ang grupo ng mga sundalo, at kaya kong akyatin ang pader ng kanilang tanggulan.

31“Ang pamamaraan nʼyo, O Diyos, ay walang kamalian. Ang inyong mga salita Panginoon ay maaasahan. Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga kumakanlong sa inyo.

32Kayo lang, Panginoon, ang tunay na Diyos, at wala nang iba. At kayo lang talaga ang aming Batong kanlungan.

33Kayo, O Diyos, ang nagbibigay sa akin ng kalakasan, at nagbabantay sa aking daraanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.