28Inililigtas nʼyo ang mga mapagpakumbaba, ngunit ibinababa nʼyo ang mga mapagmataas.
29Panginoon, kayo ang aking liwanag Sa kadiliman kayo ang aking ilaw.
30Sa tulong nʼyo, o Diyos, kaya kong salakayin ang grupo ng mga sundalo, at kaya kong akyatin ang pader ng kanilang tanggulan.
31“Ang pamamaraan nʼyo, O Diyos, ay walang kamalian. Ang inyong mga salita Panginoon ay maaasahan. Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga kumakanlong sa inyo.
32Kayo lang, Panginoon, ang tunay na Diyos, at wala nang iba. At kayo lang talaga ang aming Batong kanlungan.