31“Ang pamamaraan nʼyo, O Diyos, ay walang kamalian. Ang inyong mga salita Panginoon ay maaasahan. Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga kumakanlong sa inyo.
32Kayo lang, Panginoon, ang tunay na Diyos, at wala nang iba. At kayo lang talaga ang aming Batong kanlungan.
33Kayo, O Diyos, ang nagbibigay sa akin ng kalakasan, at nagbabantay sa aking daraanan.
34Pinatatatag nʼyo ang aking paa tulad ng paa ng usa, upang maging ligtas ang pag-akyat ko sa matataas na lugar.
35Sinasanay nʼyo ako sa pakikipaglaban, at ang aking brasoʼy nakakabanat ng panang tanso.