45Yumuyukod sila sa akin nang may takot at sinusunod ang aking mga utos.
46Nawawalan sila ng lakas ng loob, kaya lumalabas sila sa kanilang pinagtataguan na nanginginig sa takot.
47Buháy kayo, Panginoon! Karapat-dapat kayong purihin at dakilain, O Diyos na aking Batong kanlungan at Tagapagligtas!
48Pinaghigantihan nʼyo ang aking mga kaaway, at ipinasailalim mo ang mga bansa sa aking kapangyarihan.
49Inilalayo nʼyo ako sa mararahas kong kalaban, at pinagtagumpay nʼyo ako sa kanila.