1Ito ang mga huling habilin ni David: “Ang mga magagandang kasabihan ni David na anak ni Jesse, mga kasabihan ng taong itinaas ng Kataas-taasan, ang taong hinirang nga Diyos ni Jacob, ang bayani ng mga awitin ng Israel:
2“Nagsalita ang Espiritu ng Panginoon sa pamamagitan ko; ang mga mensahe niyaʼy nasa aking mga labi.
3Sinabi sa akin ng Diyos ng Israel, na Batong kanlungan ng Israel, ‘Ang namumuno nang matuwid at may takot sa Diyos,
4ay tulad ng liwanag ng araw na sumisikat sa umaga na walang maitim na ulap, na nagpapakinang sa mga damo pagkatapos ng ulan!’