2 Samuel 23

May isa pang matapang na tao na ang pangalan ay Benaias. Taga-Kabzeel siya, at ang ama niya ay si Jehoiada. Marami siyang kabayanihang ginawa, kabilang na rito ang pagpatay sa dalawang pinakamahuhusay na sundalo ng Moab. Minsan, kahit umuulan ng yelo, bumaba siya sa pinagtataguan ng leon at pinatay ito.

2 Samuel 23:20 (UKJV) And Benaiah the son of Jehoiada, the son of a valiant man, of Kabzeel, who had done many acts, he slew two lionlike men of Moab: he went down also and slew a lion in the midst of a pit in time of snow:

18Si Abisai na kapatid ni Joab, na anak ni Zeruias ang pinuno ng Tatlo. Nakapatay siya ng tatlong daang Filisteo sa pamamagitan ng sibat niya. Kaya naging tanyag siya gaya ng tatlong magigiting na kawal.

19At dahil sa siya ay mas tinitingala pa sa Tatlo, naging pinuno nila siya ngunit hindi siya kabilang sa kanila.

20May isa pang matapang na tao na ang pangalan ay Benaias. Taga-Kabzeel siya, at ang ama niya ay si Jehoiada. Marami siyang kabayanihang ginawa, kabilang na rito ang pagpatay sa dalawang pinakamahuhusay na sundalo ng Moab. Minsan, kahit umuulan ng yelo, bumaba siya sa pinagtataguan ng leon at pinatay ito.

21Bukod dito, pinatay niya ang isang napakalaking Ehipsiyo na may armas na sibat, habang isang pamalo lang ang armas niya. Inagaw niya ang sibat sa Ehipsiyo at ito rin ang ipinampatay niya rito.

22Ito ang mga ginawa ni Benaias na anak ni Jehoiada. Naging tanyag din siya gaya ng tatlong matatapang na tao,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.