17Sinabi niya, “Panginoon, hindi ko po ito maiinom dahil kasinghalaga ito ng dugo ng mga taong nagtaya ng kanilang buhay sa pagkuha nito.” Kaya hindi ito ininom ni David. Iyon ang ginawa ng tatlong matatapang na tauhan ni David.
18Si Abisai na kapatid ni Joab, na anak ni Zeruias ang pinuno ng Tatlo. Nakapatay siya ng tatlong daang Filisteo sa pamamagitan ng sibat niya. Kaya naging tanyag siya gaya ng tatlong magigiting na kawal.
19At dahil sa siya ay mas tinitingala pa sa Tatlo, naging pinuno nila siya ngunit hindi siya kabilang sa kanila.
20May isa pang matapang na tao na ang pangalan ay Benaias. Taga-Kabzeel siya, at ang ama niya ay si Jehoiada. Marami siyang kabayanihang ginawa, kabilang na rito ang pagpatay sa dalawang pinakamahuhusay na sundalo ng Moab. Minsan, kahit umuulan ng yelo, bumaba siya sa pinagtataguan ng leon at pinatay ito.
21Bukod dito, pinatay niya ang isang napakalaking Ehipsiyo na may armas na sibat, habang isang pamalo lang ang armas niya. Inagaw niya ang sibat sa Ehipsiyo at ito rin ang ipinampatay niya rito.