2 Samuel 3

Kaya pinatay ni Joab at ng kapatid niyang si Abisai si Abner dahil pinatay nito ang kapatid nilang si Asahel sa labanan doon sa Gibeon.

2 Samuel 3:30 (UKJV) So Joab, and Abishai his brother slew Abner, because he had slain their brother Asahel at Gibeon in the battle.

28Nang mabalitaan ito ni David, sinabi niya, “Alam ng Panginoon na inosente ako at ang mga tauhan ko sa pagkamatay ni Abner na anak ni Ner.

29Si Joab at ang pamilya niya ang may pananagutan dito. Sumpain nawa ang pamilya niya at hindi mawalan ng may sakit na tulo, malubhang sakit sa balat, pilay, mapapatay sa labanan, at namamalimos.”

30Kaya pinatay ni Joab at ng kapatid niyang si Abisai si Abner dahil pinatay nito ang kapatid nilang si Asahel sa labanan doon sa Gibeon.

31Pagkatapos, sinabi ni David kay Joab at sa lahat ng kasama niya, “Punitin ninyo ang inyong mga damit at magsuot kayo ng sako. Magluksa kayo habang naglalakad sa unahan ng bangkay ni Abner sa paglilibing sa kanya.” Nakipaglibing din si Haring David na sumusunod sa bangkay.

32Inilibing si Abner sa Hebron, at labis ang pag-iyak ni Haring David doon sa pinaglibingan. Ganoon din ang lahat ng tao na nakipaglibing.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.