34Hindi nga iginapos ang mga kamay niya o ikinadena ang mga paa niya, subalit siyaʼy pinaslang, tulad ng pagpaslang ng masasamang tao.” At muling iniyakan ng mga tao si Abner.
35Nang araw na iyon, hindi kumain si David, kaya pinilit siya ng mga tao na kumain. Ngunit nanumpa si David, “Parusahan sana ako nang matindi ng Diyos kapag kumain ako ng anuman bago lumubog ang araw.”
36Natuwa ang mga tao sa mga sinabi ng hari. Pati na rin ang lahat ng ginagawa niya ay kanilang ikinatuwa.
37Kaya nalaman ng lahat ng mamamayan ng Israel na walang kinalaman si Haring David sa pagkamatay ni Abner.
38Pagkatapos, sinabi ng hari sa mga tauhan niya, “Hindi nʼyo ba naiisip na napatay ang isang makapangyarihang pinuno ng Israel sa araw na ito?