2 Samuel 3

Nang araw na iyon, hindi kumain si David, kaya pinilit siya ng mga tao na kumain. Ngunit nanumpa si David, “Parusahan sana ako nang matindi ng Diyos kapag kumain ako ng anuman bago lumubog ang araw.”

2 Samuel 3:35 (UKJV) And when all the people came to cause David to eat food while it was yet day, David swore, saying, So do God to me, and more also, if I taste bread, or ought else, till the sun be down.

33Inawit ni Haring David ang awit ng pagluluksa para kay Abner: “Dapat bang mamatay si Abner tulad ng isang kriminal?

34Hindi nga iginapos ang mga kamay niya o ikinadena ang mga paa niya, subalit siyaʼy pinaslang, tulad ng pagpaslang ng masasamang tao.” At muling iniyakan ng mga tao si Abner.

35Nang araw na iyon, hindi kumain si David, kaya pinilit siya ng mga tao na kumain. Ngunit nanumpa si David, “Parusahan sana ako nang matindi ng Diyos kapag kumain ako ng anuman bago lumubog ang araw.”

36Natuwa ang mga tao sa mga sinabi ng hari. Pati na rin ang lahat ng ginagawa niya ay kanilang ikinatuwa.

37Kaya nalaman ng lahat ng mamamayan ng Israel na walang kinalaman si Haring David sa pagkamatay ni Abner.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.