2Ito ang mga anak na lalaki ni David na isinilang sa Hebron: Si Amnon ang panganay, anak niya kay Ahinoam na taga-Jezreel.
3Si Kileab ang pangalawa, anak niya kay Abigail, ang biyuda ni Nabal na taga-Carmel. Si Absalom ang pangatlo, anak niya kay Maaca na anak ni Haring Talmai ng Gesur.
4Si Adonias ang pang-apat, anak niya kay Haguit. Si Sefatias ang panglima, anak niya kay Abital.
5Si Itream ang pang-anim, anak niya kay Egla. Sila ang mga anak ni David na isinilang sa Hebron.
6Habang patuloy ang labanan sa pagitan ng mga tauhan ni Saul at ni David, naging makapangyarihang pinuno si Abner sa mga tauhan ni Saul.