23Kaya muling nagtanong si David sa Panginoon, at sumagot siya, “Huwag nʼyo agad silang salakayin kundi palibutan muna, at saka nʼyo sila salakayin malapit sa puno ng balsam.
24Kapag narinig nʼyo na parang may nagmamartsang mga sundalo sa itaas na bahagi ng puno ng balsam, dali-dali kayong sumalakay dahil iyon ang tanda na pinangungunahan ko kayo sa pagsalakay sa mga Filisteo.”
25Ginawa nga ni David ang iniutos ng Panginoon sa kanya, at pinagpapatay nila ang mga Filisteo mula sa Geba hanggang sa Gezer.