2 Samuel 6

Muling tinipon ni David ang pinakamagagaling na sundalo ng Israel at umabot ito sa 30,000.

2 Samuel 6:1 (UKJV) Again, David gathered together all the chosen men of Israel, thirty thousand.

1Muling tinipon ni David ang pinakamagagaling na sundalo ng Israel at umabot ito sa 30,000.

2Lumakad sila papuntang Baala na sakop ng Juda para kunin doon ang Kahon ng Diyos, kung saan naroon ang presensya ng Panginoon ng mga Hukbo, na nakaluklok sa gitna ng dalawang kerubin na nasa ibabaw ng Kahon.

3Kinuha nina David ang Kahon ng Diyos na nandoon sa bahay ni Abinadab sa burol at isinakay ito sa bagong kariton. Sina Uza at Ahio na anak ni Abinadab ang umaalalay sa kariton; si Ahio ang nasa unahan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.