10Kaya nagdesisyon siyang huwag na lang dalhin sa lungsod niya ang Kahon ng Panginoon. Iniwan na lang niya ito sa bahay ni Obed-edom na taga-Gat.
11Nanatili ang Kahon ng Panginoon sa bahay ni Obed-edom sa loob ng tatlong buwan, at pinagpala siya ng Panginoon, maging ang buo niyang sambahayan.
12Ngayon, nabalitaan ni Haring David na pinagpala ng Panginoon ang sambahayan ni Obed-edom at ang lahat ng pag-aari nito dahil sa Kahon ng Diyos. Kaya pumunta siya sa bahay nito at kinuha ang Kahon ng Diyos at dinala sa Jerusalem nang may kagalakan.
13Nang makaanim na hakbang na ang mga nagbubuhat ng Kahon ng Panginoon, pinahinto sila ni David at naghandog siya ng isang toro at isang pinatabang guya.
14At sumayaw si David nang buong sigla sa presensya ng Panginoon na nakasuot ng efod na lino.