18Pagkatapos, pumasok si Haring David sa tolda kung saan naroon ang Kahon ng Kasunduan. Umupo siya roon sa presensya ng Panginoon, at nanalangin, “O Makapangyarihang Panginoon, sino po ako at ang pamilya ko para pagpalain nʼyo nang ganito?
19At ngayon, Makapangyarihang Panginoon, may pangako rin kayo tungkol sa kinabukasan ng angkan ko. Ganito po ba talaga kayo makitungo sa tao?
20“Ano pa po ba ang masasabi ko sa inyo, Makapangyarihang Panginoon? Sapagkat nakikilala nʼyo kung sino talaga ako na inyong lingkod.
21Ayon sa pangako nʼyo at kalooban, ginawa nʼyo po ang mga dakilang bagay na ito at inihayag nʼyo sa akin na inyong lingkod.
22“Tunay na napakadakila ninyo, Makapangyarihang Panginoon. Wala po kayong katulad. Walang ibang Diyos maliban sa inyo at wala rin kaming ibang alam na diyos na gaya ninyo.