2 Samuel 7

Pagkatapos, pumasok si Haring David sa tolda kung saan naroon ang Kahon ng Kasunduan. Umupo siya roon sa presensya ng Panginoon, at nanalangin, “O Makapangyarihang Panginoon, sino po ako at ang pamilya ko para pagpalain nʼyo nang ganito?

2 Samuel 7:18 (UKJV) Then went king David in, and sat before the LORD, and he said, Who am I, O Lord GOD? and what is my house, that you have brought me until now?

16Magpapatuloy ang paghahari mo magpakailanman, ganoon din ang paghahari ng iyong angkan.’ ”

17Isinalaysay ni Natan kay David ang lahat ng ipinahayag ng Diyos sa kanya.

18Pagkatapos, pumasok si Haring David sa tolda kung saan naroon ang Kahon ng Kasunduan. Umupo siya roon sa presensya ng Panginoon, at nanalangin, “O Makapangyarihang Panginoon, sino po ako at ang pamilya ko para pagpalain nʼyo nang ganito?

19At ngayon, Makapangyarihang Panginoon, may pangako rin kayo tungkol sa kinabukasan ng angkan ko. Ganito po ba talaga kayo makitungo sa tao?

20“Ano pa po ba ang masasabi ko sa inyo, Makapangyarihang Panginoon? Sapagkat nakikilala nʼyo kung sino talaga ako na inyong lingkod.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.