2 Samuel 7

“At ngayon, Panginoong Diyos, tuparin po ninyo ang ipinangako nʼyo sa akin na inyong lingkod at sa angkan ko, para maging tanyag kayo magpakailanman. At sasabihin ng mga tao, ‘Ang Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel!’ At ang sambahayan ko ay patuloy na maglilingkod sa inyo magpakailanman.

2 Samuel 7:25 (UKJV) And now, O LORD God, the word that you have spoken concerning your servant, and concerning his house, establish it for ever, and do as you have said.

23At wala ring katulad ang inyong mga mamamayang Israelita. Ito lamang ang bansa sa mundo na inyong pinalaya mula sa pagkaalipin para maging mga mamamayan ninyo. Naging tanyag ang pangalan nʼyo dahil sa dakila at kamangha-manghang ginawa ninyo. Itinaboy nʼyo ang mga bansa at ang mga diyos nila sa pamamagitan ng mga mamamayan nʼyo nang inilabas nʼyo sila sa Ehipto.

24Itinatag nʼyo ang Israel bilang sarili nʼyong mga mamamayan magpakailanman, at kayo Panginoon, ang kanilang naging Diyos.

25“At ngayon, Panginoong Diyos, tuparin po ninyo ang ipinangako nʼyo sa akin na inyong lingkod at sa angkan ko, para maging tanyag kayo magpakailanman. At sasabihin ng mga tao, ‘Ang Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel!’ At ang sambahayan ko ay patuloy na maglilingkod sa inyo magpakailanman.

27“Panginoon ng mga Hukbo, Diyos ng Israel, malakas po ang loob ko na manalangin sa inyo nang ganito dahil ipinahayag nʼyo sa akin na inyong lingkod, na patuloy na manggagaling sa aking angkan ang magiging hari ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.