22“Tunay na napakadakila ninyo, Makapangyarihang Panginoon. Wala po kayong katulad. Walang ibang Diyos maliban sa inyo at wala rin kaming ibang alam na diyos na gaya ninyo.
23At wala ring katulad ang inyong mga mamamayang Israelita. Ito lamang ang bansa sa mundo na inyong pinalaya mula sa pagkaalipin para maging mga mamamayan ninyo. Naging tanyag ang pangalan nʼyo dahil sa dakila at kamangha-manghang ginawa ninyo. Itinaboy nʼyo ang mga bansa at ang mga diyos nila sa pamamagitan ng mga mamamayan nʼyo nang inilabas nʼyo sila sa Ehipto.
24Itinatag nʼyo ang Israel bilang sarili nʼyong mga mamamayan magpakailanman, at kayo Panginoon, ang kanilang naging Diyos.
25“At ngayon, Panginoong Diyos, tuparin po ninyo ang ipinangako nʼyo sa akin na inyong lingkod at sa angkan ko, para maging tanyag kayo magpakailanman. At sasabihin ng mga tao, ‘Ang Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel!’ At ang sambahayan ko ay patuloy na maglilingkod sa inyo magpakailanman.