2Isang araw, sinabi ni David kay Propeta Natan, “Tingnan mo, nakatira ako sa magandang palasyo na gawa sa kahoy na sedro, pero ang Kahon ng Diyos ay nasa tolda lang.”
3Sumagot si Natan sa hari, “Gawin mo ang gusto mong gawin dahil ang Panginoon ay sumasaiyo.”
4Pero nang gabi ring iyon, sinabi ng Panginoon kay Natan,
5“Lumakad ka, at sabihin mo sa lingkod kong si David, ‘Ito ang sinabi ng Panginoon: Ikaw ba ang magpapatayo ng bahay na titirhan ko?
6Mula nang ilabas ko ang mga Israelita sa Ehipto, hindi pa ako tumitira sa isang permanenteng tahanan kundi sa tolda lamang na palipat-lipat.