3Sumagot si Natan sa hari, “Gawin mo ang gusto mong gawin dahil ang Panginoon ay sumasaiyo.”
4Pero nang gabi ring iyon, sinabi ng Panginoon kay Natan,
5“Lumakad ka, at sabihin mo sa lingkod kong si David, ‘Ito ang sinabi ng Panginoon: Ikaw ba ang magpapatayo ng bahay na titirhan ko?
6Mula nang ilabas ko ang mga Israelita sa Ehipto, hindi pa ako tumitira sa isang permanenteng tahanan kundi sa tolda lamang na palipat-lipat.
7Sa paglipat-lipat ko kasama ang lahat ng mamamayan kong Israelita, kailanmaʼy hindi ako nagreklamo sa mga pinuno nila na kumbagaʼy pastol nila. Hindi ko sila tinanong kung bakit hindi nila ako ipinagtatayo ng bahay na gawa sa sedro.’