2 Mga Taga-Tesalonica 1

Sa ganitong paraan, maluluwalhati ninyo ang ating Panginoong Hesus at kayo naman ay mapaparangalan niya ayon sa biyaya ng ating Diyos at ng Panginoong Hesu-Kristo.

2 Thessalonians 1:12 (UKJV) That the name of our Lord Jesus Christ may be glorified in you, and all of you in him, according to the grace of our God and the Lord Jesus Christ.

10Mangyayari ito sa araw ng pagbabalik niya. Papupurihan at pararangalan siya ng mga hinirang niya na walang iba kundi ang lahat ng sumasampalataya sa kanya. Kabilang kayo rito, dahil naniwala kayo sa ipinahayag namin sa inyo.

11Ito ang dahilan kung bakit palagi namin kayong ipinapanalangin na tulungan kayo ng Diyos na mamuhay nang karapat-dapat bilang mga hinirang niya. At dalangin din namin na sa tulong ng kapangyarihan niya, magawa nʼyo ang lahat ng mabubuting bagay na gusto ninyong gawin dahil sa inyong pananampalataya.

12Sa ganitong paraan, maluluwalhati ninyo ang ating Panginoong Hesus at kayo naman ay mapaparangalan niya ayon sa biyaya ng ating Diyos at ng Panginoong Hesu-Kristo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.