2 Mga Taga-Tesalonica 1

Mangyayari ito sa araw ng pagbabalik niya. Papupurihan at pararangalan siya ng mga hinirang niya na walang iba kundi ang lahat ng sumasampalataya sa kanya. Kabilang kayo rito, dahil naniwala kayo sa ipinahayag namin sa inyo.

2 Thessalonians 1:10 (UKJV) When he shall come to be glorified in his saints, and to be admired in all them that believe (because our testimony among you was believed) in that day.

8Darating siyang napapalibutan ng nagliliyab na apoy, at parurusahan niya ang mga hindi kumikilala sa Diyos at hindi sumusunod sa Magandang Balita tungkol sa ating Panginoong Hesus.

9Parurusahan sila ng walang hanggang paghihirap at pagkawalay sa Panginoon, at hindi na nila makikita pa ang dakila niyang kapangyarihan.

10Mangyayari ito sa araw ng pagbabalik niya. Papupurihan at pararangalan siya ng mga hinirang niya na walang iba kundi ang lahat ng sumasampalataya sa kanya. Kabilang kayo rito, dahil naniwala kayo sa ipinahayag namin sa inyo.

11Ito ang dahilan kung bakit palagi namin kayong ipinapanalangin na tulungan kayo ng Diyos na mamuhay nang karapat-dapat bilang mga hinirang niya. At dalangin din namin na sa tulong ng kapangyarihan niya, magawa nʼyo ang lahat ng mabubuting bagay na gusto ninyong gawin dahil sa inyong pananampalataya.

12Sa ganitong paraan, maluluwalhati ninyo ang ating Panginoong Hesus at kayo naman ay mapaparangalan niya ayon sa biyaya ng ating Diyos at ng Panginoong Hesu-Kristo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.