2 Mga Taga-Tesalonica 1

Darating siyang napapalibutan ng nagliliyab na apoy, at parurusahan niya ang mga hindi kumikilala sa Diyos at hindi sumusunod sa Magandang Balita tungkol sa ating Panginoong Hesus.

2 Thessalonians 1:8 (UKJV) In flaming fire taking vengeance on them that know not God, and that obey not the gospel of our Lord Jesus Christ:

6Gagawin ng Diyos ang nararapat; tiyak na pahihirapan niya ang mga nagpapahirap sa inyo.

7At kayong mga naghihirap ay bibigyan niya ng kapahingahan kasama namin. Mangyayari ito pagbalik ng Panginoong Hesus mula sa langit kasama ang kanyang makapangyarihang mga anghel.

8Darating siyang napapalibutan ng nagliliyab na apoy, at parurusahan niya ang mga hindi kumikilala sa Diyos at hindi sumusunod sa Magandang Balita tungkol sa ating Panginoong Hesus.

9Parurusahan sila ng walang hanggang paghihirap at pagkawalay sa Panginoon, at hindi na nila makikita pa ang dakila niyang kapangyarihan.

10Mangyayari ito sa araw ng pagbabalik niya. Papupurihan at pararangalan siya ng mga hinirang niya na walang iba kundi ang lahat ng sumasampalataya sa kanya. Kabilang kayo rito, dahil naniwala kayo sa ipinahayag namin sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.