2 Mga Taga-Tesalonica 1

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.

2 Thessalonians 1:2 (UKJV) Grace unto you, and peace, from God our Father and the Lord Jesus Christ.

1Mula kay Pablo, kasama sina Silas at Timoteo, Sa iglesya ng mga taga-Tesalonica na nasa Diyos Ama at nasa Panginoong Hesu-Kristo:

2Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.

3Mga kapatid, nararapat lang na pasalamatan namin ang Diyos dahil sa inyo, sapagkat patuloy na lumalago ang inyong pananampalataya kay Kristo at pagmamahal sa isaʼt isa.

4Kaya naman, ipinagmamalaki namin kayo sa mga iglesya ng Diyos sa ibang lugar dahil sa katatagan at pananampalataya ninyo, sa kabila ng lahat ng dinaranas ninyong paghihirap at pag-uusig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.